Dumating ang panahon na ang Diyos ay nag-umpisa ng lumikha ng mga naisip niyang mga bagay tulad ng Langit na kanyang magiging luklukan, daigdig na magiging tuntungan ng Kanyang mga paa at iba-iba pang mga bagay sa kalangitan at sansinukob.Lumikha ang Diyos ng magiging katulong sa kanyang mga gagawin. Nagsalita ang Diyos ng ganito: “AGAHAC JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET CORPUS SIOMBENET”, pagkasabi’y biglang may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang kanan ng Kanyang noo at ito'y Kanyang hinaplos ng kanang hinlalatong daliri, at ang mga butil ng pawis ay naging labing-anim na mga espiritu na kahalintulad ng Diyos ang mga hitsura nito. Nag-isip muli ang Infinito Diyos, at sa ilang sandali pa'y nagsalita uli ng ganito: “LUCJINUM”.Nang ito'y mabigkas, may mga butil ng pawis na lumitaw sa bandang kaliwang noo ng Diyos, at nang ito'y haplusin ng Kanyang kaliwang hinlalatong daliri, ang mga butil ng pawis na ito ay naging walong espirito na gaya din ng Kanyang kaanyuhan. Sa mga kahiwagang ito, ang 24 Ancianos ay nabuo.
Ang 24 na mga espiritong ito ay siyang mga naging katulong ng Diyos sa lahat ng Kanyang paglikha sa buong sansinukob tulad ng paglikha ng tao. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Diyos: “NGAYON, LALANGIN NATIN ANG TAO AYON SA ATING LARAWAN”. Sila ang mga kasama ng Diyos nang likhain ng mga ito ang tao.
Ayon sa lihim na karunungan, ang pangalan ng mga hinlalatong daliri ng Diyos na ginamit sa paghaplos ng mga butil ng pawis na naging 24 espiritu, at kung iyong malaman, kailanman ay hindi ka dadanas ng paghihirap sa kabilang buhay. Kaya ang pangalang iyon ay itinago sapul ng ito'y ipinahintulot ng Diyos na makarating sa kaalaman ng tao.Ang pangalan ng kanang hinlalatong daliri ay: “MEPHENAI at sa kaliwang hinlalatong daliri naman ay “JPHATON.” Mapalad ang sino mang mag-iingat ng mga pangalang ito dahil kilalanin siya ng Panginoon sa panahong darating.
Ang 24 Ancianos ay binigyan ng Diyos ng kanya- kanyang mga pangalan at tungkulin, na kung hahalungkatin ang tagong kasaysayan ang mga ito'y nagtatangan ng mahiwagang kapangyarihan. Ito ang kanilang mga pangalan:UPH MADAC, ABO NATAC, ELIM, BORIM, MORIM, BICAIRIM, PERSALUTIM, MITIM, AMALEY, ALPACOR, AMACOR, ALPALCO, ALCO, ARAGO, AZARAGOE, LUXBEL, ISTAC, INATAC, ISLALAO, TARTARAO, SARAPAO, MAGUGAB, MARIAGUB at MAGUB. Ang mga ito ay ang pinakaunang pangalan ihinayag . Maliban dito ay marami pang ibang pangalan na ginamit sa bawat paglalang ang 24 Ancianos.
Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito'y maging tama o maging mali man, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito. Sa Apocalipsis ni Juan o Pahayag 11:16 ay nabanggit ang 24 Ancianos at sinasabi: "AT ANG 24 NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NANGAGPATIRAPA AT SUMAMBA SA KANYA."
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS
1. UPH MADAC - Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras pagkaran ng hating Gabi siya ang nagdesinyo ng Araw sang-ayon ng tungkuling ibinigay sa kanya ng Infinito Diyos. Gumawa siya ng maraming desinyo at ito'y inipresenta niya sa kanyang mga kasamahan at sa Panginoon, at pumili sila at napagkaisahan nilang lahat ang hugis o hitsura ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa mundo sapul pa noon hanggang sa kasalukuyanat sa darating pang panahon.
2. ABO NATAC - Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya, marami ring nilikha at ang mga ito'y inilahad sa kanyang mga kasamahan at sa Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang porma ng buwan na nasa kasalukuyan ngayon.
3. ELIM - taga pagbantay sa alas tres ng umaga hanggang 3:59 AM
4. BORIM - taga pagbantay sa alas 4:00AM hanggang 4:59 AM
5. MORIM - taga pagbantay sa alas 5:00AM hanggang 5:59AM
6. BICAIRIM - taga pagbantay sa alas 6:00AM hanggang 6:59AM
7. PERSALUTIM- taga pagbantay sa alas 7:00AM hanggang 7:59AM
8. MITIM- taga pagbantay sa alas 8:00AM hanggang 8:59AM
******Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng iba pang katungkulan. Ang kanilang ginawa ay ang paglagalag lamang labas pasok sa mundo, at maging taga pagbantay ng Diyos
9. AMALEY - Ito ang pangulo at unang ministro ng mga mandirigmang arkangeles. Siya si San Miguel Arcanghel Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit man. Si San Miguel ay nakatalagang taga pagbantay sa alas 9:00AM hanggang 9:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya Siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga pangyayaring hindi mangyari. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan. Ito ang panawag kay San Miguel: ESTO MIHI BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.
10. ALPACOR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong sansinukob, Siya si San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at kalawakan.
Si San Gabriel ang taga pagbantay sa alas 10:00AM hanggang 10:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang tawagan sa araw na ito upang maligtas sa lahat na kapahamakan. Ito ang panawag kay San Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM IMPARTIENDO.
11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel na hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang pangkalangitan na kung saan ay siya rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang tagapagbantay sa oras na alas 11:00AM sa bawat araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat lingo. Siya ang dapat tawagin sa araw na ito para sa kaligtasan sa mga kapahamakan. Ito ang panawag kay SanRafael: ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE.
12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit. Ppunong Tagapamahala sa mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, Siya rin ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas sa ano mang sakuna. Ito ang panawag kay San Uriel. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR.
13. ALCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng tao, siya rin ang tumatanggap at tagapagbigay-alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang anghel na ito ay si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ito ang panawag kay San Setiel: LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORIUM MIHI PULCRUM.
14. ARACO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya. Siya ang humahawak ng susi upang maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay si San Judiel, ang taga biyaya at tagapagkaloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ito ang panawag kay San Judiel: CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM INCOMPETENDO DOMINO.
15. AZARAGUE – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Siya si San Baraquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din tuwing araw ng Sabado, kaya siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ito ang panawag sa kay San Baraquiel: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTI MIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPARARE A DEO.
Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama.
16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang gawa ng Infinito Diyos. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag ng Langit” dahil siya ang pinakamalapit sa Diyos. Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ng kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA, subalit sinuway nito ang Infinito Diyos kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER. Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang aklat na pinamagatang DIEZ MUNDOS (Sampung Planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na karunungan gaya ng pangkukulam, malik mata, pang-gagayuma at marami pang iba.
17. ISTAC -taga pagbantay sa alas 5:00PM hanggang 5:59PM
18. INATAC- taga pagbantay sa ala 6:00PM hanggang 6:59PM
19. ISLALAO -taga pagbantay sa ala 7:00PM hanggang 7:59PM
20. TARTARAO -taga pagbantay sa alas 8:00PM hanggang 8:59PM
21. SARAPAO –taga pagbantay sa alas 9:00PM hanggang 9:59PM
Ang limang espiritong ito ay hindi binyagan at hindi tumanggap ng tungkulin. Nang ang Panginoong Jesucristo ay kasalukuyang nakabayubay sa krus,lumapit sila upang magpabinyag, nguni't hindi na nangyari dahil sa mga oras na iyon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang hininga.
Ang huling tatlo ay ang SANTISIMA TRINIDAD Sila ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG MGA BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami kahit kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito.
22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang DiosAma, hindi siya ang Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Dios Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gaya ng iba-ibang uri ng mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao.Siya ang taga pagbantay sa alas 9:00PM hanggang 9:59PM.
23. MARIAGUB – Ang espiritong ito ang pangalawang persona sa Santisima Trinidad, taglay niya ang kabuuan ng Dios Anak at ang kapangyarihan sa pag ganap sa mga misteryong ginawa ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong sumakatawan upang maligtas ang bawat nilalang na tumanggap at mananpalataya sa Kanya.Siya ang taga pagbantay sa alas 10:00PM hanggang 10:59PM.
24. MAGUB – Ito ang pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo, siya ang gumanap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa kasalukuyan. Dahil sa kanyang kapangyarihan ay nabubuo at natutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Siya ang taga pagbantay sa alas 11:00PM hanggang hatinggabi o 12:00MN....itutuloy
DAGDAG LANG PO*******
alas L.M. - gandang umaga po sa lahat,,,,tanung ko lang po tungkol sa 24 ancianos saan po gamit ang mga ito?at merun din po ba na 24 matatandang babae?anu po ba ang mataas na grado na maaaring ilaban sa kaitiman....di po kaya maka epekto sa aking pamilya kung akoy gagamot ng spiritual>?salamat po .
sanfra Cisco - Lahat tayo ay biniyayaan at kakayahang manggamoKailangan lamang ng sakripisyo
at pagtawag sa kanilaPag nabuksan na ang iyong diwa handa ka bang maglingkod sa bayan
Panggagamot pamilya o ang katungkulan mo?
Ang antas ay napagsasanayan sa 24 ancianos isa lang ay mabigat na
pandakaking itim - ang isa sa gamit ng 24 ancianos ay pambakod sa sarili at maging sa looban man ng bakuran
doble trese -medyo marami po ang nakikita nating grupo ng 24 ancianos. bawat grupo po ata ay may kanya kanyang kakayahan. pero ang tanong po ay paano sila pagagalawin?
sanfra Cisco - Tulad po ng 7 Arkangeles
May kanya kanyang debusyon at panawagan at meron din pong isang Hukbo na sila
Maganda po ay matukoy ang pinagmulan o ang mga nakapagtangan na nito
Maaring isang tao sa bawat isa pangalan ng 24 ancianos o mga anghel
nekros nihon -hello sa lahat!! nagpaparamdm lang..
may sitas po sa revelation kung saan tinutukoy ang 24 ancianos..ang mga pngalan nila kung isusulat sa pamamagitan ng sinturon o kayay nakapulupot sa inyo ay mabisa din pong pangprotection sa araw araw lalo na at may lakad kayong importnte o mahalaga sa inyong buhay.subok po ito.
********
maraming salamat po doon sa mga nagbigay ng kaunting paliwanag.....kahit walang pahintulot...
Ang 24 na matatanda ay kasama na ng Dios kahit noong una pa man bago nalikha ang sanlibutan at kung titingnan ang medalya na patungkol sa infinito ay kasama rin sila. Ayon sa ibang libro, ito raw po ay susi ng medalyang ito....Ang tanong ay kung bakit kasama ito sa medalyang combati spiritual?
medalya ng combati espiritual
Kung susuriin po ang medalya, ang 24 na letra, HAH; GNPAAN; MLEAGNA; at SMLTSPNG ay kumakatawan po sa mga lihim na pangalan ng 24 na matatanda....hindi po ba?
heto iyong sa itaas
H.A.H.
HOCMOM ANUMAM HUMRAM
G.N.P.A.A.N
GRENTE NENATAC PAMPANABAL ACMULATUM AGUECA NUMCIUM
M.L.E.A.G.N.A.
MOLATOC LUMAYOS ESNATAC ABRICAM GENTIUM NATAUME ANIMASUA
S.M.L.T.S.P.N.G.
SERICAM MATAMUROM LAUSBAL TUMATUM SUAM PETRAM NATUMGENTILLORIUM
heto naman ang iniwan sa lupa
H.A.H
HAVET ANORETERCUM HAECJAM
G.N.P.A.A.N.
GESTABATOLNISE NONEDEMITE PLAUSUCINTER
ASPIANTEDIVO ARASUPILLA NUBESUBDENSA
M.L.E.A.G.N.A.
MONSTRUMTE LETHALIBURNOS ELEJETIBUS CURUM
AMATVIDERI GENSDURA NUDANTUROSA ARUMDUDATOR
S.M.L.T.S.P.N.G.
SUBJESTUS DESYT MOATALITATIR DEDERIT LUISISERORBE
TREMENDA CUJUS SUSPONTE SUMJESIT PENDENTIS DEI NOENDECIM GRACAEGO
Marami pang ibang basag o bibliato ng 24 na letra na taglay ang mga lihim na pangalan ng 24 na matatanda...paki-comment nalang po kung may napamaling mga spelling.
Marami pang ibang basag o bibliato ng 24 na letra na taglay ang mga lihim na pangalan ng 24 na matatanda...paki-comment nalang po kung may napamaling mga spelling.
Hi, I'd really like to know more about the medal, could you please translate the most important parts for me? That would be amazing! Thx
ReplyDeletehi, i really want to know the value of this medal? thank you.
ReplyDeletemay bisa b ang binibiling medalyon sa quiapo?saan po makakakuha?
ReplyDelete24 na matatanda mabisa medalyon binili sa Quiapo? Puwede ba ito bindesionan ng holy water. at ano orasyon dapat dito? naghihintay po ako ng inyo kasagutan. salamat po.
ReplyDeleteSan Po Gawa Yang Agimat Nayan ?
ReplyDeleteLahat ng medalyon gawa ng tao o binili sa quiapo ay pueding bendesionan ng holy water
ReplyDeleteMay mga tao na itinalaga ng diyos na gumawa ng bagay para gamitin ng tao sa kayang pang araw na buhay meron din tao itinalago ng diyos mag salita ukol sa mga salita ng diyos para sa tao.
ReplyDeleteMay mga tao na itinalaga ng diyos na gumawa ng bagay para gamitin ng tao sa kayang pang araw na buhay meron din tao itinalago ng diyos mag salita ukol sa mga salita ng diyos para sa tao.
ReplyDeleteLahat ng medalyon gawa ng tao o binili sa quiapo ay pueding bendesionan ng holy water
ReplyDeleteHi po. Sa 24 na matatanda sino po dun si Hocmom? Ano po yung itinalaga ng Dios Ama n gagawin o babantayan niya? May nkapagsabi po kasi sakin n tahimik lng daw si Hocmom & tagamasid s nangyayari s paligid. Totoo po b iyon?
ReplyDeleteAsk ko lng po sana kung saan pong verse ng bibile mababasa yang mga pinag ssbi po jan? 24 apat n mtatanda meron po nabsa pero ang mga panagln at katungkulan pde po b malaman ang verse? Slamat po!
ReplyDeleteMagandang umaga po, tanong ko lang po yun pong24 na letra na kumakatawan sa 24 na matatanda bakit po mayroong sinasabing Nasa itaas at may iniwan sa baba, ano po ibig sabihin nung 24 letra na kumakatawan sa 24 na matatanda na nasa itaas at yung iniwan sa baba? Pwede po bang paki paliwanag po? Maraming salamat po..
ReplyDeleteAt dapat po bang sambitin ang mga 24 na letrang kumakatawan sa 24 na matatanda yung sinasabing nasa itaas at yung sinasabing iniwan sa baba kapag dadasalan ang medalyon ng Infinito Deus?
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteUng 21 and 22 ancianos prihas 9pm ang binabantayng oras?
ReplyDeleteUng 21 and 22 n ancianos prihas po sila n taga pagbantay ng oras n 9pm to 9:59pm? Tama po b yun dalawa sila?
ReplyDeleteHello i have that medal who want to buy?
ReplyDeletehello po meron po ako niyan medal sino po gusto bumili?
ReplyDeletemaraming salamat po sa mga paliwanag..tunay na naokalalim ng khulugan ng bawat ngsulat sa banal na kasukatan....
ReplyDeletetotoo kung ganun ang kwento sa DIOS SENTINITO..O mga SALITA NG DIOS..GODBLESS AND MORE POWER..
Kung kasana po sa 24 na espirito ang 3 persona ang ama, anak at espirito santo, bakit sumamba o nagpatirapa sa kordero sa pahayag 5:8 ang 24 na matatanda, kung si jesuschrist ang bugtong na anak
ReplyDeletemaari pong di lubos na nauunawaan ng gumawa ng paliwanag sa blog na ito kung ano ang nakasaad sa medalyon ng infinito at maaring hindi rin po nya nakausap o nakapanayam ang mga orihinal na Espiritung tinutukoy sa medalyon sapagkat ito ay kinopya lamang sa gumawa ng aklat ng lihim na karunungan na maraming mali.
ReplyDelete